LOS BAÑOS, LAGUNA — Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang kauna-unahang fire testing laboratory sa bansa, na matatagpuan sa Forest Products Research and Development Institute (FPRDI) sa Los Baños, Laguna.
Layunin ng laboratoryo na subukan ang tibay at fire safety ng mga lokal na construction materials, kabilang ang wood components, kisame, sahig at fire-retardant-treated products.
Ayon sa FPRDI, hindi na kailangang ipadala sa ibang bansa ang mga produkto para sa fire testing, kaya mas mapapabilis at mapapababa ang gastos ng mga lokal na manufacturer sa pagsunod sa international safety standards.
Inaasahang magiging ganap na bukas sa publiko at mga stakeholder ang laboratoryo pagsapit ng Hulyo 2027.
Source: Abante
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply