CALABARZON — Patuloy ang pagkilos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matiyak ang sapat na tulong para sa mga pamilyang apektado o maaaring maapektuhan ng patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat at Bagyong Maymay.
Patuloy ang pagpapadala ng Family Food Packs sa mga lugar sa CALABARZON, kasabay ng replenishment ng mga stockpile upang maging handa sa agarang pagtugon sa mga nangangailangan.
Katuwang ng DSWD ang mga volunteer at iba pang responders sa paghahanda, pagkakarga at paghahatid ng relief supplies sa mga apektadong komunidad.
Source: REX GATCHALIAN/FACEBOOK
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply