Advertisement

2025 NATIONAL WOMEN’S MONTH: BABAE SA LAHAT NG SEKTOR, AANGAT ANG BUKAS SA BAGONG PILIPINAS

Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Marso ang National Women’s Month, isang okasyon upang kilalanin at ipagdiwang ang kontribusyon ng kababaihan sa lahat ng sektor ng Lipunan na may temang, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,” bilang paalala sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga babae sa pagtulong sa pagbuo ng isang makatarungan, pagkakapantay-pantay, at progresibong bansa.

Sa ilalim ng temang ito, ang Philippine Commission on Women (PCW) ay nagtatampok ng mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng karapatan ng kababaihan sa Pilipinas. Kasama sa mga makasaysayang okasyong ipinagdiriwang ngayong taon ay ang ika-50 anibersaryo ng PCW; ika-30 taon ng Beijing Platform for Action (BPfA); ika-45 anibersaryo ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW), at ang tatlong dekadang pagkakatatag ng Gender and Development (GAD) budget policy sa ilalim ng 1995 General Appropriations Act (RA 7845). Isang mahalaga ring bahagi ng selebrasyon ang ika-30 taon ng Philippine Plan for Gender-Responsive Development (PPGD).

Ang mga kaganapang ito ay hindi lamang simbolo ng mga tagumpay ng kababaihan, kundi pati na rin ng patuloy na pagtulak para sa gender equality at inclusive development sa bansa.

Sa pamamagitan ng mga hakbangin tulad ng Republic Act No. 9710, o ang Magna Carta of Women, na layon ay matiyak ang pantay na pag-access ng kababaihan sa mga oportunidad at resources, at palakasin ang kanilang kakayahang makapag-ambag sa pagpapaunlad ng bansa.

Ang tema ng taon ay naglalayon ding itaguyod ang equality at alisin ang mga gender biases at stereotypes na patuloy na nakakaapekto sa pananaw sa kababaihan.

Ang mga kababaihan, mula sa mga tahanan hanggang sa mga pribado at pampublikong sektor, ay may kakayahang magtagumpay at magbigay ng malaking kontribusyon sa lipunan.

Sa pamamagitan ng selebrasyong ito, binibigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na ipakita ang kanilang kahusayan at patuloy na magtaguyod ng isang mas maliwanag at mas magandang bukas para sa lahat.

Ang National Women’s Month ay hindi lamang isang pagdiriwang; ito ay isang pagtawag ng pansin upang patuloy na magsulong ng pagbabago at pag-unlad, kung saan ang mga kababaihan ay may pantay na pagkakataon at karapatan na magtagumpay at mag-ambag sa isang Bagong Pilipinas. #RBM

Featured Image courtesy: Riverside City College


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading