Ayon kay Atty. Melencio “Mel” Sta. Maria, isang abogado at dating Dean ng Far Eastern University Institute of Law, posibleng palayain pansamantala si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte habang dinidinig ang kasong kinahaharap nito sa International Criminal Court (ICC).
Sa isang panayam na nakalap mula kay Ted Failon at DJ Chacha sa kanilang programa na True FM ngayong Lunes, Marso 17, ipinaliwanag ni Sta. Maria na may mga kondisyon na kailangang matugunan para sa pansamantalang kalayaan, tulad ng sapat na ebidensya at ang pangangailangan na hindi magdudulot ng pagkaantala sa mga pagdinig.
“Theoretically, puwede. Pero may mga kondisyon. Unang-una, nakalagay dito dapat kung may reasonable ground to believe that a person committed a crime,” paliwanag ni Sta. Maria.
“O kaya ‘yong pag-aresto ay necessary para hindi maantala ang hearing o kaya para mag-continue o walang mag-obstruct ng hearing, ‘yong mga kondisyon na ‘yon e na-complied with, na-satisfy, walang bail. […] Hindi siya palalabasin kung mayro’ng substantial evidence na ginawa niya nga,” pagpapatuloy nito.
Ayon pa sa abogado, isang hadlang sa posibleng pansamantalang paglaya ay ang bigat ng kasong murder at crime against humanity na isinampa laban kay Duterte, na nakatakdang dumaan sa susunod na pagdinig sa Setyembre 23, 2025. #RBM
News Source: Manila Bulletin/Balita
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply