Ipinagdiriwang ngayong taon ang Chinese New Year o Spring Festival na mas kilala bilang Lunar New Year ng mga Tsino sa kanilang bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo. Isa ito sa pinakamahalagang selebrasyon ng mga Tsino upang magbigay-pugay sa bagong simula para ipakita at ipadama ang pasasalamat sa mga natanggap na biyaya.
Sa ganitong mga panahon ay abala ang bawat komunidad ng mga Filipino-Chinese sa ating bansa partikular sa Binondo Manila kung saan ay marami ang naninirahan doong Tsino na nagiging abala sa kanilang paghahanda ng Bagong Taon o Lunar New Year.
Ang Lunar New Year na kilala bilang Chinese New Year ay isang makulay at masayang pagdiriwang na pinag-uugnayan ng kaligayahan at pag-asa para sa mga pamilya at bawat komunidad. Ilan sa mga paniniwala ng mga Tsino ay nagdadala ng swerte ang pagpapalit ng taon. Sumisimbulo ito ng tagumpay, at magandang kapalaran. Paniniwala rin ng mga Tsino na kailangang magsuot ng pulang kasuotan upang itaboy ang malas o negativity sa paligid. Ang pagpapaputok, at paggamit ng malalakas na tunog ay nagpapahiwatig ng pagpapalayas ng malas at masamang espiritu at elemento.
Ang Chinese New Year ay ipinagdiriwang base sa lunar calendar na nasa pagitan ng Enero 21 hanggang Pebrero 20 na sakto sa petsa ng Enero 29, 2025. Ilan din sa kanilang tradisyon ay ang pagbibigay ng pulang sobre o hongbao (ang pao), pagpapaputok, dragon dance, at dekorasyon sa loob ng bahay na sumisimbulo ng pagpaplano ng swerte, pagmamahal, kasaganhan, at kasiyahan sa buong taon.
Ang taong 2025 ay ‘Taon ng Ahas’ o Year of the Wood Snake. Marami ang nagsasabi na ito raw ay taon ng pagbabalat-kayo. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang ‘Taon ng Ahas’ ay taon ng pagtataksil o ahasan. Maling pananaw ito! Ang Year of the Wood Snake ay taon ng ‘Pagbabago at Pagbabagong Anyo.’ Ibigsabihin, gaya ng isang ahas na kayang magpalit ng balat ay kaya rin ng tao na baguhin ang takbo ng kanyang buhay sa paraan ng pagbabagong bihis sa sariling kakayanan o pag-improve ng ating kakayahan sa bawat larangan o propesyon na ating tinatahak sa buhay. Ang pagpapalit ng balat ng ahas ay sumisimbulo sa positibong pananaw ng buhay. Ang buong taong ito ay panahon at pagkakataon upang baguhin mo ang iyong pananaw para sa personal na pag-unlad at pagbabago.
Ang ahas ay sumisimbulo sa positibong pananaw, karunungan at intuwsiyon na dapat tayo ay magkaroon ng masusing paglinang ng ating kaisipan, at huwag pag-isipan ng masama ang ating kapwa kung mayroon man itong hinahangad na mali sa atin. Ang ahas ay kayang paamuhin ng tao sa pamamagitan ng tamang pag-trato at paghimas ng marahan na hindi siya masasaktan. Kaya naman, nais naming ibahagi ang ilang prediksyon ng mga eksperto ukol sa inyong Zodiac sign. Narito ang mga maikling prediksyon at depenisyon ng bawat isa sa 12 Chinese zodiac signs para sa Year of the Wood Snake. Kung Hei Fat Choy sa inyong lahat!
Rat: Maaaring harapin ang mga hamon sa karera, ngunit may mga oportunidad sa personal na pag-unlad.
Ox: Isang taon ng katatagan; ang pagsusumikap ay magbubunga ng positibong resulta.
Tiger: Maaaring makaranas ng mga pagbabago; mahalaga ang pagiging adaptable.
Rabbit: Isang magandang taon para sa mga relasyon at pakikipag-ugnayan sa iba.
Dragon: Maaaring makaranas ng mga pagsubok, ngunit ang determinasyon ay magdadala ng tagumpay.
Snake: Isang taon ng personal na paglago at introspeksyon; samantalahin ang mga pagkakataon.
Horse: Maaaring makaranas ng mga hamon sa komunikasyon; maging malinaw sa pakikipag-usap.
Goat: Isang taon ng kasaganaan; ang pagkamalikhain ay magdadala ng mga bagong oportunidad.
Monkey: Maaaring harapin ang mga hamon sa relasyon; maging tapat at bukas sa pakikipag-ugnayan.
Rooster: Isang magandang taon para sa karera; ang pagsusumikap ay magbubunga.
Dog: Maaaring makaranas ng mga pagsubok, ngunit ang katapatan ay magdadala ng gantimpala.
Pig: Isang taon ng kasiyahan at kasaganaan; tamasahin ang mga bunga ng iyong pagsusumikap.
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply