Advertisement

PAGBALANGKAS NG MGA TERMINOLOHIYA SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON KAUGNAY NG PANDEMYA

ECQ, MECQ, MGCQ, GCQ with heightened restrictions.

Ilan lamang ito sa iba’t ibang klasipikasyon ng pagtatakda ng mahigpit na kwarantina sa ating bansa sa tuwing nagkakaroon ng surge o pag-angat ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa partikular na komunidad, lugar at rehiyon.

Bunsod nang nagpapatuloy na pandemya sa bansa, marami pa rin sa atin ang hindi nakababatid ng mga klasipikasyong ito. Mga terminolohiya o hindi pangkaraniwang mga salita na ginagamit ng mga otoridad at mananaliksik sa oras ng kalamidad higit ang nagpapatuloy na pandemya sa bansa.

Karamihan sa atin ay hirap na mabalangkas at baybayin ang mga terminolohiyang ito sa pagpapatupad ng kwarantina sa partikular na lugar at ang pabago-bagong ordinansa sa bawat lokal na pamahalaan at komunidad na ipinatutupad.Ang bawat lokal na pamahalaan at rehiyon ay may kanya-kanyang pagpapatupad ng paghihigpit lalo na ang mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19. Lalo pa’t hindi na simpleng virus ang ating kinahaharap ngayon.

Laganap na rin ang Delta variant sa ibang bansa at maging sa hangganan natin ay nakapasok na rin ito at marami na rin ang nagpositibo sa naturang virus.

Marami na ang buhay na nagwakas dahil sa Delta variant o ang B.1.617.2 sa iba’t ibang bansa gaya sa US, India, at Malaysia kung saan naitatala ang matataas na bilang ng hawaan at mga nasawi sa naturang variant.

Masusing binabantayan din ang isa pang virus na laganap sa Peru, ang Lambda variant o kilala bilang C.37 na tinuturing na “variant of interest”…

.(Mangyaring i-refresh ang artikulo na ito para sa karagdagang impormasyon)

(RBM/HinuhaAtBalita)


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading