Advertisement

PAGGUNITA SA IKA-453 ANIBERSAYO NG MAYNILA NGAYONG ARAW

Ni Rex B. Molines

MANILA, Philippines [Hunyo 24, 2024] – Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-453 anibersayo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila, sa pangunguna ni Manila Mayor Honey Lacuna kung saan ay isasagawa ang isang civil-military parade na gaganapin sa Dagonoy, sa Onyx ngayong araw, Hunyo 24.

Kaugnay nito, makikiisa rin sa pagdiriwang na ito ang mga empleyado ng Manila City government, mga residente ng lungsod, at ang mga Manila-based organizations upang saksihan ang taunang selebrasyong ito ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila kung saan ay naging malaki ang gampanin ng lungsod na ito sa ating kasaysayan mula sa mga digmaan, pananakop ng ibang lahi sa ating mga isla hanggang sa umusbong ang iba’t ibang kalakaran at ang pag-unlad ng Lungsod, at makilala bilang kabisera ng ating bansang Pilipinas. 

Ayon sa kasaysayan ng lungsod, ang piyesta opisyal na ito ay ginugunita tuwing ika- 24 sa buwan ng Hunyo taun-taon kung saan ay binibigyang pagpupugay ang pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila noong 1571.

Ang lungsod na ito ay unang nakilala bilang “Maynilad.” Kung saan ay binigyang pangalan ng pangkat etnikong mga Tagalog. Ang pangalang ito ay hango sa salitang “nila,” isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look na ginagamit para gumawa ng sabon para sa kanilang pakikipagkalakalan. Ang salitang “may mila,” na may unlaping “ma-“ na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang malagong bagay; ang “nila” ay pwedeng Sanskrit na “nila,” na nangangahulugang “punong indigo.” 

Naging upuang kolonyal na pamahalaan ang Maynila noong panahon na pinamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng Espanya mula 1565 hanggang 1898. Ang Lungsod ng Maynila ay pinamahalaan ng Gran Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na bahagi ng Pitong Taong Digmaan. Noong 1899, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas mula sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong arkipelago hanggang 1946. Ang conquistador ng Espanya na si Miguel López de Legazpi ay nagtatag ng isang lungsod sa pangalan ng Espanya noong Hunyo 24 1571, na itinago niya ang lokal na pangalan, Maynila, kung saan ay isinabay din ito sa kapistahan ni San Juan.

Noong ika-24 ng Hunyo 1976, itinatag ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Maynila bilang opisyal na kabisera ng bansang Pilipinas at luklukan ng pamahalaang Pambansa. Ilan lamang ito sa mga mahahalagang kaganapan sa Maynila. 

Kaya naman, isang pagpupugay sa bawat Manilenyo at mga Pilipinong nagtataguyod ng kaayusan ng Lungsod ng Maynila. Ang selebrasyong ito ay hindi lamang sa iisang lungsod na dapat ipagdiwang bagkus, ito’y maituturing nating kasarinlang ating napagtagumapayan.

Samantala, kaisa sa selebrasyong ito ang Department of Tourism, Culture and Arts of Manila kung saan ay inihanda ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pinakamahalagang araw na ito para sa mga Manileño. Nagbigay abiso rin sa publiko ang Manila Public Information Office nitong Sabado, Hunyo 22, kaugnay ng pansamantalang pagsasara ng Roxas Blvd. Northbound and Southbound, Katigbak Road at South Drive para bigyang-daan ang isinagawang BINI Fan Run at Move Manila nitong linggo, Hunyo 23, na ngayon ay pwede nang madaanan.

Sa nakalipas na mga linggo ay naganap ang mga inilatag na programa ng pamahalaang lokal ng Maynila para sa buong buwan ng Hunyo. Narito ang listahan ng mga programang inilatag na nagsimula noong ika-31 ng Mayo at magtatapos sa ika-29 ng Hunyo: 

May 31, Tikim Manila,  Talentadong Manilenyo, Manila Bandstand;

https://www.facebook.com/share/p/rpYxPDfXF5TEsi2Z/

June 1, Opening of June Exhibit (Manila Clock Tower Museum); 

https://www.facebook.com/share/p/298iDtYcHhUW6XiF/

June 3, Commemoration of the Battle of Bangkusay; 

June 4, The Manila Film Festival Premiere Night; 

https://www.facebook.com/share/p/wNpUxghEec7D6Fy3/

June 5, The Manila Film Festival Mall Screening (Robinsons Manila Movie World);

https://www.facebook.com/share/p/qDuKFtw6MJ5m4mTB/4

June 10, Meldrig Costuna’s Concert “Heto Na! Kami Na!” OPM noon at ngayon; 

June 11, The Manila Film Festival Awards Night; 

https://www.facebook.com/share/p/t8bFkjDYYvZdKhYQ/

June 12, 126th Proclamation of the Philippine Independence; 

June 13, City Service Loyalty Award; 

https://www.facebook.com/share/p/ueXk1yqbN5X2Le5o/

June 15, Kasalang Bayan, Sama-Saya sa Maynila Concert, Tertulia at Sining (MCTM); 

https://www.facebook.com/share/p/pLgUn5sj4xFw4Pnx/

https://www.facebook.com/share/p/CWWrw6aJxEH643K3/

June 17, Gawad Parangal sa Natatanging Manileño; 

June 19, 163rd Birth Anniversary of Dr. Jose Rizal, Rampa Manila; 

https://www.facebook.com/share/p/RnCker8crTESnMWp/

https://www.facebook.com/share/p/V4tWRbC8ZoyRDEBh/

https://www.facebook.com/share/p/zpWswi3PSwRxjDhJ/

June 22, Miss Manila; June 23, Gran Copa De Manila; 

June 24, Araw ng Maynila, Wreath-Laying Rajah Sulayman, City Civic and Military Parade; 

June 29, Timeless 2 Nick Nangit Musical Concert.


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading