Advertisement

Alert Level 1 sa NCR at 47 iba pang lugar, simula ngayong Araw hanggang Marso 30

Muling isinailalim sa Alert Level 1 ang National Capital Region at 47 iba pang mga lugar sa bansa simula ngayong Marso 16 hanggang Marso 31, ayon kay presidential spokesman Martin Andanar sa anunsyo nitong Martes sa utos na rin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Tila hudyat ito nang patuloy ang pagbuti ng ating ekonomiya sakabila nang pagluluwag ng lahat. Kaya naman sinusulit din ito ng ating mga kababayan ngayon kahit na patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin partikular ang langis na hindi pa malaman kung kailan ito matatapos.

Kaliwa’t kanang panawagan na ang ikinakasa ng iba’t ibang organisasyon at concern agencies sa gobyerno na nagnanais mapigilan ang patuloy na pagtaas ng krudo sa merkado na diumano’y marami na ang nagmamalabis nito.

Sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi pa ring maituturing na endemic ang ating pagharap sa virus dahil may mga lugar pa rin sa ating bansa ang may mga kaso ng COVID-19 na naitatala. Maging sa China ay nagpapatuloy pa rin ang pagtaas ng COVID-19 cases. May nakitaan din sa ibang bansa ng pag-evolved ng Omicron at Delta variant.

Pinapaalalahanan ang lahat na mag-doble ingat pa rin sa banta ng COVID-19 sa bansa kahit na marami na ang nagbubukas na mga establisimiyento. Excited na rin ang lahat sa ikakasang Alert Level 0 sa susunod na buwan.

Samantala, narito ang mga lugar na nasailalim ng Alert Level 1 simula ngayong araw hanggang Marso 30;

Cordillera Administrative Region

  • Abra
  • Apayao
  • Baguio City
  • Kalinga

Region 1

  • Dagupan City
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Pangasinan

Region II

  • Batanes
  • Cagayan
  • City of Santiago
  • Isabela
  • Quirino

Region III

  • Angeles City
  • Aurora
  • Bataan
  • Bulacan
  • Nueva Ecija
  • Olongapo City
  • Pampanga
  • Tarlac
  • Zambales

Region IV-A

  • Batangas
  • Cavite
  • Laguna
  • Lucena City

Region IV-B

  • Marinduque
  • Puerto Princesa City
  • Romblon

Region V

  • Naga City
  • Catanduanes

For the Visayas, the following areas shall be under Alert Level 1:

Region VI

  • Aklan
  • Bacolod City
  • Capiz
  • Guimaras
  • Iloilo City

Region VII

  • Cebu City
  • Siquijor
  • Region VIII
  • Biliran
  • Ormoc City
  • Tacloban City

For Mindanao, the following areas shall be under Alert Level 1:

Region IX

  • Zamboanga City

Region X

  • Cagayan de Oro City
  • Camiguin

Region XI

  • Davao City

CARAGA 

  • Butuan City.

Ang mga lugar na hindi nabanggit ay nasa ilalim pa rin ng Alert Level 2.

Nasa mahigit 64 million Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Mahigit 10 million na ang nakatanggap ng booster shots sa bansa.

Inaasahan naman ng gobyerno na makapagbabakuna ng mahigit 77 million indibiduwal hanggang sa katapusan ng buwan ng Marso.

Sakabila nito, pinahihintulutan na ng gobyerno sa 100% capacity sa lahat ng pampublikong transportasyon. ##


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading