[Ni RBM]
Naalala mo pa ba noong una tayong magkita?
Unang nagpakilala sa isa’t isa,
Unang ngiti sa tuwing magtatama ang ating mga mata,
Unang sapilitan ng pagtawa mo sa corny kong joke,
Unang sulyap na ika’y nga sa akin ay Sumisinta,
At unang pagkakataon na kita’y nasaktan.
Lahat nang iyan,
Nangyari nung nagsisimula ang lahat sa atin,
Sa dinami-rami kong kasalanan sa’yo,
Ika’y hindi kailanman sumuko,
Hindi mo nagawang ako’y talikuran,
Hindi naghanap ng iba at higit pa sa akin.
‘Pagkat ang sabi mo sa akin,
Tapat mo akong mamahalin
At tatanggapin.
Sa kabila nang aking mga kakulanga’t kahinaan.
Kaya sa unang pagkakataong ito
Babawi naman ako sa’yo,
Lahat ng mga mali ko,
Ay itatama ko.
Salamat sa unang pagkakataon
na tayo’y nagkatagpo.
Dahil hindi mo ito sinukuan
Kahit na marami ang sa atin
ay balakit.
Hindi na patitinag kailanman,
Ang isang relasyong ating pinagsaluhan.
Kaya sa pagkakatong ito,
Hindi na kita muling sasaktan
Dahil ikaw ang una at huli kong patutunguhan,
Mahal kita mula sa unang pagkakataon,
At sa darating pang mga taon,
Hanggang sa paglipas ng ating panahon,
‘Yan ang lagi mong pakatatandaan
At lagi kong iingatan kailanman.
Maligayang Araw ng mapagsintang mga Puso!
Photo © Google
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply