CALABARZON — Bumaba ng 27.18 porsyento ang insidente ng eight focus crimes sa CALABARZON nitong Hulyo 2026, ayon sa Police Regional Office (PRO) CALABARZON.
Naitala ang 225 insidente, mas mababa kumpara sa 309 kaso noong Hunyo.
Ayon kay PRO CALABARZON Acting Regional Director PBGen Dominic Baccay, nakatulong sa pagbaba ng krimen ang pagpapatupad ng B.E.S.T. Policing Framework o Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, and Transform Trust.
Samantala, 481 hindi lisensyadong baril ang narekober, nakumpiska o isinuko sa iba’t ibang police units sa rehiyon noong Hulyo—30% na mas mataas kumpara sa nakaraang buwan.
Sinabi ng PRO CALABARZON na patuloy ang pakikipagtulungan nito sa mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga komunidad upang mapanatili ang seguridad at mabawasan ang krimen sa rehiyon.
Source: PIA CALABARZON
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply