Sa anunsyong inilabas ng nangungunang finance application ng bansa, ang GCash, nilimitahan nito ang daily transactions sa kanilang serbisyo na “Express Send” at “Send via QR” upang maiwasan ang vote-buying sa kanilang platform ngayong nalalapit na ang May 2025 midterm elections.
Ayon sa GCash, magsisimula ang nasabing limitasyon ngayong araw, Marso 18, at magtatagal hanggang Mayo 12, 2025, araw ng halalan. Muling ibabalik ang tuloy-tuloy na transaksyon kinabukasan, Mayo 13.
Maigting din nilang binabantayan ang mga kahina-hinalang transaksyon, partikular na ang mga may halagang P500,000, sa pagitan ng mga bank accounts, digital banking, at digital wallets, upang masigurado na walang illegal transactions ng pera sa panahon ng halalan. #RBM
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.















Leave a Reply