Advertisement

Paghahanda ng Comelec sa Halalan 2025, Puspusan na!

PUSPUSAN ang mga paghahandang ginagawa ng Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na Halalan 2025. Kamakailan ay opisyal nang sinimulan ng Comelec ang election period para sa 2025 Midterm Elections nitong Enero 12, na magtatagal hanggang Hunyo 11. Ito ay upang matiyak ang maayos at ligtas na National, Local at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary elections sa darating na Mayo 12, 2025. Kasabay din nito ang mas pinaigting na pagpapatupad sa nationwide gun ban ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa, maliban kung mayroong special permit mula sa Comelec.

Nitong nakaraang taon, inihayag ng Comelec ang tungkol sa pagba- ‘ban’ ng paggamit ng AI o artificial intelligence sa pangangampanya ng mga tumatakbong politiko sa papalapit na Halalan 2025. Gaya ng pagsulpot ng iba’t ibang AI technology applications ay maaaring maging banta ito sa ating lahat kung saan ay nagagamit ito sa hindi tamang paraan at paglaganap ng “deep fake” na madaling gayahin ang mukha, boses, at gesture ng mga kilalang personalidad at politiko na ating napapanood online.

Bukod dito, mahigpit din ang pagbabantay na ginagawa ng Comelec sa “Kontra Bigay” kung saan tututukan ito ng poll body ang mga vote buying at vote selling. Ang mga maaaktuhan dito ay ipakukulong ng hanggang 6 na taon at pagmumultahin ng hindi bababa sa 10,000-piso ang mga mahuhuling bumibili at nagbebenta ng boto. Dahil dito, magtatayo umano ng “Kontra-Bigay Complaint Center” ang Comelec sa bawat bayan at lungsod upang may matakbuhan ang mga nagrereklamo, ayon kay Commissioner-Comelec Ernesto Ferdinand Maceda Jr. Isa rin sa kanilang tututukan ay ang paggamit ng pondo ng bayan ng mga kandidato para makakuha ng boto kung saan ay nagpulong kamakailan ang mga gobernador sa bansa para paalalahanan ang lahat tungkol sa usaping ito.

Tinututukan din ng Comelec sa pangunguna ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang precinct finder ng Comelec dalawang linggo bago ang May 2025 elections. Ito raw ay upang maiwasan ang potential hacking ng precinct finder kung saan ang personal data ng mga botante ay naka-stored. Samakatuwid, ang Comelec ang may pinakamalawak na saklaw ng datos ng mga Pilipino sa lahat ng ahensya ng gobyerno

Ayon kay Garcia, kanilang sinasanay ang mga tauhan ng Comelec na pangalagaan ang precinct finder. Sakabila nito, may mga pag-uulat din na nakatatanggap ng 400,000 hacking attempts buwan-buwan ang ahensya, ngunit ang kanilang website ay hindi naglalaman ng impormasyon ng mga botante. Sinabi rin ni Garcia na pinapayagan ang mga botante na magdala ng kanilang mga cellphone na may listahan ng mga kandidatong iboboto nila sa loob ng mga polling precinct. Gayunpaman, ang pagkuha ng mga larawan ng mga balota ay maituturing na isang election offense. Target din ng Comelec na mamahagi ng voters information sheet (VIS) sa bawat rehistradong botante na mga Pilipino bago sumapit ang Abril.

Pinaalalahanan din ni Garcia ang mga poll aspirants na gumamit ng biodegradable materials para sa kanilang election-related propaganda o political campaign materials. Aniya, kailangan sumunod ng mga nangangampanya sa itinakda ng Comelec alinsunod sa Comelec Resolution No. 11086, para sa mga local and national candidates, political parties, at partylist groups.

Narito ang mga itinakda ng Comelec:

  • Printed materials like pamphlet and leaflet not exceeding 8.5 inches by width and 14 inches by height.
  • Printed or handwritten letters.
  • Posters made from cloth, paper, cardboard or any recyclable material not exceeding 2 feet (ft) by 3 ft streamers not exceeding 3 ft by 8 ft (must be shown five days before a rally in a certain place and must be taken down 24 hours after).
  • Paid printed advertisement and broadcast media under the requirements of Sec. 11 of Comelec Resolution 11086 and Fair Elections Act.
  • Static LED billboard owned by private entities or individuals.
  • Mobile or transit advertisements in public transportation under the condition that it follows the guidelines of Land Transportation Franchising and Regulatory Board for commercial advertisements.
  • Signboards not exceeding 3 ft by 9 ft posted in the candidates’ headquarters.
  • Other election propaganda not prohibited by the Omnibus Election Code or Comelec Resolution No. 11086

Ilan lamang ito sa mga mahahalagang hakbangin ng Comelec upang masiguro ang mas maayos at ligtas na pangangampanya ng bawat poll aspirants at sa pagpili ng masang Pilipino sa darating na Halalan 2025. Para sa iba pang update, maaaring sundan ang official website at Facebook page ng Comelec: https://comelec.gov.ph/?r=home  / https://www.facebook.com/comelec.ph

#RBM #RexpressNews


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading