Gagawaran si Justice Japar B. Dimaampao ng KWF Dangal ng Wika 2026 sa Kategoryang Indibidwal ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.
Si Justice Dimaampao ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay ang Tagapangulo ng Technical Working Group (TWG) sa pagbuo ng Rules on Filipino Sign Language (FSL) Interpreting sa Sistemang Panghudikatura. Ipinamalas niya ang isang pambihirang pamumuno na may sigasig sa pagtitiyak na ang mga Bingi ang maging sentro sa pagbibigay at katuwang sa pagbalangkas ng mga naturang alituntunin.
Ang Gawad Dangal ng Wika ang pinakamataas na pagkilรกla sa mga indibidwal, samahรกn, tanggรกpan, institusyon, o ahensiyang pampamahalaรกn o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa tรบngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino at/o iba pang wika sa Pilipinas. Ang gagawaran ay makatatanggap ng tropeo, plake, at medalya.
Ang KWF Gabi ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 27 Agosto 2026.
Discover more from Rexpress Balita
Subscribe to get the latest posts sent to your email.













Leave a Reply