Advertisement

Tertulyang Pangwika idaraos muli sa isla ngayong Agosto bilang Buwan ng Kasaysayan, Wika, ASEAN at Linggwistika

Boac, Marinduque – Magkakaroon muli ang Marinduque State University (MarSU) Sentro ng WIka at Kultura (SWK) ng Tertulyang Pangwika sa darating na Agosto 17,18 at 20 sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan, Buwan ng Wika, ASEAN month maging ng Linggo ng Kabataan.

Ang paksa ng Tertulyang Pangwika ngayong taon ay Komiks sa Isla, alinsunod sa itinakda ng Komisyon sa WIkang Filipinong tema, “Wikang Filipino at Artificial Intelligence.” Sa tulong ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) pinagkalooban ng grant ang pagpapalaganap ng komiks ni Gregorio Narvas Jr, Gregorio Narvas III at Erik Narvas Santos. Bilang suporta sa KWF at NCCA, ang MarSU ay magsasagawa ng paglalahad ng mga glossary ng Marinduque Tagalog batay sa mga isyu ng Ngani Mandin na komiks. Mula sa klase ng Philippine Popular Culture at Communication, Culture and Society ng College of Arts and Social Sciences (CASS) ng MarSU.

Ayon sa pangulo ng MarSU, si Prop. Dr. Diosdado Zulueta, “Bilang katuwang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ng Marinduque State University (MarSU) ay kaisa sa pagpapalaganap ng wikang Filipino at mga katutubong wika kasama ang wikang Marinduque Tagalog. Bilang suporta ng SWK sa KWF ang mga gawain nito ay para sa pambansang adyenda sa saliksik pangwika at pangkultura, bahagi ng Saliksik-wika, Sagip-wika, Sulong-wika, Salin-wika at Sinop-wika. Sa huli, ang MarSU ay tumatalima sa aspirasyong pangwika: sulong-wika, isa sa limang haligi ng serbisyong pangwika.”

Batay sa aprubado na mungkahi ni Erik Narvas Satos, ang Tertulyang Pangwika natin ngayong taon ay tumugon sa suliraning paano mapapalaganap upang hindi manganib ang Marinduque Tagalog sa pamamagitan ng komiks na sariling andin, ang Ngani Mandin. Partikular na sinisikap sagutin ang mga sumusunod: ano ang mga paraan ng digitalization at restoration ng komiks?; paano makakabuo ng glosaryo at kultura na tala?; paano makalalahok ang mga kabataan at malikhain?; at paano makakapaglimbag ng mga kopya?

Samantala, ang Layunin ng Tertulya ay sa pangkalahatan, ang layunin ay mapanatiling buhay ang Marinduque Tagalog sa pamamagitan ng Ngani Mandin komiks. Samantala ang mga espesipikong mga layunin ay ang mga sumusunod: mapanibago at modernisa ang komiks, mabigay ang cultural heritage education o creative instruction bilang basehan, magamit ang siste at pagkukwento at magkaroon ng sustenable o likas-kayang modelo.

Habang ang Target awtput, ang posibleng output ay maaaring digitally restored at republished na komiks, Marinduque Tagalog glossary at cultural notes, youth at local talent engagement kasama ang print at digital distribution ng Ngani Mandin.

Kasama sa mga yugto ng proyekto, inputs/ activities ang mga sumusunod: phase 1 (preparation and material recovery) archival search and inventory at project briefing and stakeholder consultation; phase 2 (digitization and creative restoration) scanning and digital cleanup, digital coloring and layout at dialogue balloon revision; phase 3 (community involvement and language validation) youth and artist participation at elder engagement and glossary compilation; phase 4 (printing, promotion and distribution) island-based printing at distribution; phase 5 (expansion) continuation based on further funding and donations at educational and cultural use.

Kamakailan ay tinampak sa programa ng Voice of the Teachers sa AFP radio DWDD ang Komiks sa Isla, Gregorio Narvas project sa segment na Kaalaman sa SIning at Kultura kung saan tinalakay ang NCCA grant at KWF na Tertulyang Pangwika nina Katropa Herman Briñas at Dr. Randy Nobleza. #

[By Randy T. Nobleza, Ph.D]


Discover more from Rexpress Balita

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Rexpress Balita

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading